Paano Sukatin ang Taas ng Iyong Cervix

by | May 16, 2022

Measure Your Cervix Height

Ang taas ng cervix ay isa sa pinakamahalagang salik na dapat isaalang-alang para makakuha ng tugmang menstrual cup. Ito ay ang distansya sa pagitan ng bungad ng pwerta at ng cervix. Tinutukoy nito ang haba ng menstrual cup na kailangan mo. Dito, matututunan mo kung paano sukatin ang taas ng iyong cervix.

Ngunit una sa lahat, ano nga ba ang cervix?

Maikling impormasyon tungkol sa cervix

Ang cervix ay ang mababang hugis-silindro na bahagi ng matris na nagdudugtong sa pwerta. Ito ay nasa dulo ng vaginal canal at ang pasukan sa uterine cavity (o loob ng matris).

Mayroong dalawang pangunahing bahagi ng cervix – ang ectocervix at ang endocervix (o endocervical canal). Ang mga bahaging nakikita sa pagsusuri ng pwerta ay ang ectocervix at ang panlabas na os (o butas sa gitna). Ang endocervix ay ang lagusan mula sa panlabas na os papunta sa matris.

parts of the

Ano ang hitsura ng cervix?

Ang cervix ay nagbabago ng posisyon at naglalabas ng mucus sa buong siklo ng regla upang mapadali o maiwasan ang mabuntis. Ang cervix habang obulasyon ay mataas, malambot, bukas, at basa. Ito naman ay mababa, matigas, sarado, at tuyo bago at matapos ng obulasyon. Kapag may regla, ito ay mas mababa, matigas, at bahagyang nakabukas upang makadaloy ang regla sa pwerta.

Ang panlabas na os ay nag-iiba rin. Ito ay isang maliit na pabilog na butas para sa mga hindi pa nanganak at nagiging parang hiwa pagka-panganak.

Nasa ibaba ang isang malapitang larawan ng cervix sa ikalawang araw ng regla.

cervix during menstruation

Larawan: The Beautiful Cervix Project [https://www.beautifulcervix.com/project/age-24-most-of-cycle/].

Ano ang pakiramdam ng cervix?

Ang cervix ay karaniwang mas makinis kumpara sa vaginal wall na may kulubot. Ang malambot na cervix ay may katulad na pakiramdam sa isang pingol (o earlobe) samantalang ito ay mahahalintulad sa dulo ng ilong kapag matigas. Maaari mong makapa ang cervix na nakagitna, bahagyang patagilid, bahagyang patingala sa gawing pantog, o bahagyang payuko sa gawing tumbong. Ang panlabas na os ay maaaring parang isang maliit na butas, isang biloy, o isang maliit na hiwa sa gitna. Kapag pinaikot mo ang iyong daliri sa paligid ng cervix, maaari mong mapansin ang espasyo sa paligid nito (o fornix) na parang tila ang cervix ay parang isla sa dulo ng iyong vaginal canal.

Bakit mahalagang sukatin ang taas ng iyong cervix?

Bago bumili ng menstrual cup, inirerekumenda kong sukatin ang taas ng iyong cervix mula simula hanggang matapos ang iyong regla. Makakatulong ito sa iyo na matukoy ang haba ng menstrual cup na kailangan mo. Makakatulong din ito sa iyo na maging pamilyar sa posisyon at paggalaw ng iyong cervix tuwing may regla ka. Sa ganito, mas mapapadali ang pagpapasok at pagto-troubleshoot ng mga menstrual cup.

Cervix height determines the length of the cup you need.

Mas gusto ng iba na gumamit ng mga cloth liners o menstrual pants sa mga huling araw ng kanilang regla. Kung gusto mong ganap na ihinto ang paggamit ng iba pang mga produktong panregla at gumamit ng (mga) menstrual cup hanggang sa huling patak ng brown discharge, sukatin ang taas ng iyong cervix hanggang sa araw na iyon.

Ang paggalaw ng mga cervix sa tuwing may regla ay hindi pare-pareho para sa lahat. May mga nireregla na paiba-iba ang galaw ng kanilang cervix sa kahabaan ng regla nila, samantalang mayroong halos hindi gumagalaw ang cervix. Nasa ibaba ang mga posibleng paggalaw ng cervix na maaari mong maobserbahan kapag sinukat mo ang sa iyo:

  • mababa hanggang katamtamang taas o kabaliktaran
  • katamtamang taas hanggang mataas o kabaliktaran
  • mababa hanggang mataas o kabaliktaran

Hindi mo malalaman ang araw na maaaring ito ay bumaba o tumaas kung hindi mo ito susukatin araw-araw sa kahabaan ng iyong regla. Ang paglaktaw ng isang araw ay maaaring magbigay ng hindi masyadong akmang lapat. Ipagpalagay na sinukat mo ang taas ng iyong cervix sa una at huling araw lamang ng iyong regla. Itinala mong mataas ang iyong cervix, hindi mo alam na pinakamababa pala nito ay tuwing ikatlong araw. Bibili ka ng cup na pang mataas na cervix. Dumating ang iyong regla, at isusuot mo ang iyong cup. Naramdaman mong komportable ito (Yay! Congrats sa sarili), ngulit pagsapit ng ikatlong araw, parang kakaiba na sa pakiramdam at/o masakit (Pero bakit? tanong mo). Malamang na ito ay mararanasan mo buwan-buwan sa menstrual cup na ito. Kung ikukumpara sa pagkakaroon ng isang talaan ng buong lima o higit pang araw ng iyong regla, mayroon kang pagkakataong piliin ang haba ng cup na magiging komportable para sa iba’t ibang taas ng iyong cervix. Ang hindi pagsukat ng taas ng iyong cervix ay palaging mauuwi sa posibilidad na 50-50. Bumili ka at suwertehin, o hindi. Ganyan kahalaga ang pagsukat.

Paano sukatin ang taas ng iyong cervix?

MAHALAGA: Hugasan muna ang iyong mga kamay. Siguraduhing banlawan ito ng mabuti, walang bakas ng sabon. Tiyaking malinis ang iyong mga kuko, mainam kung ginupitan. Tandaan na ang cervix ay bukas tuwing may regla, at hindi natin nais na magpasok ng bakterya o magsanhi ng impeksyon. Kung mayroon kang UTI at/o impeksyon sa pwerta, hayaan mo munang gumaling ito bago magpatuloy.

  1. Humanap ng komportable at nakarelaks na posisyon. Maaari kang umupo sa inidoro, mag-iskwat sa sahig, o tumayo nang nakatungtong ang isang paa sa bangkito/inidoro/bathtub. Mag-ingat ng mabuti kung ito ay gagawin sa shower.
  2. Dahan-dahang ipasok ang iyong nakarelaks na hintuturo o gitnang daliri, alinman ang madaling iposisyon, sa iyong pwerta. Itulak ang iyong daliri sa pagitan ng iyong labia minora (o ang panloob na labia) papasok sa bukana ng pwerta at i-slide ito papasok nang kumportable pasunod sa kanal ng pwerta hanggang sa masalat mo ang iyong cervix. Maaaring magtagal ka sa pagtukoy, ayos lang iyon. Maaaring makatulong sa iyo na paikutan ng daliri ang paligid ng pwerta, na tila gumuguhit ng mga bilog sa loob, habang ipinapasok mo ito. Pagkatapos ay ikutan naman ng daliri ang cervix at pakiramdaman ang butas sa gitna upang makumpirma na natagpuan mo na nga ito. Pakitandaan na maaaring hindi mo makapa ang cervix kung ito ay napakataas o maikli ang iyong daliri.
    KARANIWANG PAGKAKAMALI: Madalas ko itong ma-encounter mula sa mga nagsusukat ng cervix. Nalalaktawan nila ang cervix at inaakala nilang mataas ito dahil hindi nila ito nakapa. Ang problema ay dumiretso agad ang daliri nila sa vaginal fornix sa halip na sa ibaba ng cervix. Ito ay kadalasang nangyayari kapag ang cervix ay nakalihis. Ito ang dahilan kung bakit palagi kong inirerekumenda ang pag-ikot sa paligid ng pwerta upang matiyak na nakakapa mo ang pagka-tubo ng vaginal canal magmula sa bukana ng pwerta hanggang sa maabot mo ang cervix. Kung pakiramdam nito ay may umiikot ka na sa malamang parte o ang dulo ng iyong daliri ay nasa masikip na banda na, iatras ng bahagya ang iyong daliri dahil malamang ay nasa fornix na ito.
  3. Habang nakasalat sa cervix, gamitin ang dulo ng hinlalaki upang markahan ang daliri sa punto kung nasaan ang butas ng pwerta (sa pagitan ng labia minora). Tandaan na lang ang punto kung hindi kaya ng hinlalaking magmarka, sakali mang hindi ito maigalaw o dahil lang nasa loob na ang buong daliri.
  4. Measure the tip of your finger up to the point you’ve marked against a ruler. Others recommend the knuckle rule here, but you have to consider that not all hands and fingers are the same. One’s average might be a low or high to you. You may use the knuckle rule as marker but then you must convert it to a smaller unit of length ideally in millimeters. Using a ruler gives a reliable result.
    knuckle rule
    how to measure cervix height properly
  5. Record your daily measurements. This record will be your guide as you choose the proper cup length. Although not necessary, keeping tabs of your cervix position along with the height is a plus. This will also help you in troubleshooting your cup if needed. You can also use this to compare your cervix movement every period.

REMEMBER: Do not measure your cervix height when you are sexually aroused as the cervix is higher during this time.

TIP: You may practice while you are not on your period to get comfortable with the process and get familiar with how everything inside feels like. Again, the cervix height, shape, and firmness varies throughout your menstrual cycle.

Your cervix height

  • Low Cervix Height: 44mm or lower.
    Your cervix is near your vaginal opening. Sometimes, an average menstrual cup could still be uncomfortable or too long even with it’s stem completely cut off.
  • Average Cervix: 45 – 55 mm.
    You have a lot of menstrual cups to choose from. Each brand carries one or two for you.
  • High Cervix: 55mm or higher.
    Your cervix is hard to reach or totally unreachable even with your full finger inside. Though any length of menstrual cup may fit inside you, keep in mind that it must be easily reachable if you don’t want to experience giving birth to a cup.

NOTES:

  • A cup that is too short for your cervix height is hard to reach and could be very challenging to remove. You may need to push really hard for it to go down.
  • A cup that is too long for you may feel like it’s falling out. The base could protrude and irritate you. It could also push your parts inside (pressure) and cause cramps.
  • Most cups have customizable stems that you could trim or cut off in case you find it uncomfortable or unnecessary.

Measuring your cervix height gives you a higher chance of a well-fitted cup. A well-fitted cup is a comfortable cup. Though firmness is another factor not to be disregarded, I consider the right length of a menstrual cup as the most important key to comfort. Also, as you become aware of your cervix movement, the ease of inserting and positioning the cup follows.

If you’re feeling icky about this measuring process, consider yourself not cup-ready yet. You must understand that using a menstrual cup is more than just switching period products. It’s also about being familiar and comfortable with your own body and everything that comes with it. This is your first step into the menstrual cup. Don’t just get too excited and jump on the bandwagon because a negative experience could put you off using a menstrual cup.

 

Sources:

Comprehensive Visual Inspection of the Cervix with Acetic Acid (VIA) and Lugol’s Iodine (VILI) [https://www.gfmer.ch/ccdc/victest.htm], Module 1: Anatomy of the cervix, squamocolumnar junction, metaplastic change and transformation zone – Pierre Vassilakos, Raluca Negulescu, Rosa Pinto Catarino [https://www.gfmer.ch/ccdc/pdf/module1.pdf]

Cervix (Human Anatomy): Diagram, Location, Conditions, Treatment [https://www.webmd.com/women/picture-of-the-cervix]

Disclaimer: The author of this article is not a medical or health professional.

Let’s Get Connected

Paano pumili ng menstrual cup

How to choose a menstrual cup? Sa sobrang dami ng menstrual cups na available sa market ngayon, nakakalito talaga pumili. Dagdag pa sa pagpipilian ang iba't ibang hugis at anyo, sizes at firmness, parang napakakomplikado at nakakaoverwhelm para sa mga gustong lumipat...