How to choose a menstrual cup?
Sa sobrang dami ng menstrual cups na available sa market ngayon, nakakalito talaga pumili. Dagdag pa sa pagpipilian ang iba’t ibang hugis at anyo, sizes at firmness, parang napakakomplikado at nakakaoverwhelm para sa mga gustong lumipat sa paggamit ng menstrual cup. Mahirap din magkamali dahil may kamahalan ang presyo ng mga cups sa unang tingin. But with proper knowledge, liliit ang chance na hindi matched ang mabibili natin, makakapili at makakapili tayo ng cup na tugma sa katawan at pangangailangan natin. Pero ang tanong, paano nga ba natin malalaman kung ano ang tamang cup para sa atin?
There are three (3) main factors na dapat natin isaalang-alang bago tayo bumili ng cup. Ito ay ang 1) cervix height, 2) flow ng regla, at ang ating 3) pelvic floor.
Cervix height. Ito ang sukat mula sa opening or entrance ng vagina hanggang sa cervix. Dito mo malalaman kung gaano kahaba ang kailangan mong cup. Kung mababa ang cervix height mo, maikling cup ang kailangan mo. Para sa medium height na cervix, average length naman na cup. At para sa mataas na cervix height, mahabang cup.
Kinakailangan na sukatin ang cervix height mula sa unang araw ng regla hanggang sa huling araw dahil nag-iiba iba ang taas nito sa buong ikot ng menstrual cycle at pati sa buong period. (LINK HOW TO MEASURE)
Flow. Ito ang hina o lakas ng regla. Dito malalaman ang cup capacity na kailangan mo. Kung mahina o katamtaman lang ang flow ng regla mo ay sapat na ang karamihan na size 1 cups. Para sa mga mayroong sobrang lakas na regla, mainam na mataas ang capacity ng cup na hahanapin para hindi kailanganing magtapon oras oras.
Pelvic floor muscles (PFM). Ito ang mga muscles na sumusupporta at humahawak sa ating mga pelvic organs (bladder/pantog, rectum/tumbong, uterus/matres at cervix) para manatiling nasa lugar. Dito mo naman malalaman kung soft ba or firm ang dapat mong gamitin.
Maraming nakakaapekto sa ating PFM. Ang pagtanda, pagbubuntis, panganganak, pagiging overweight, at pati ang matinding pag-iri dala ng chronic constipation ay ilan sa mga maaaring makapagpahina ng ating PFM. Ang incontinence o kawalan ng kontrol sa pag-ihi ay isang common sign ng PFM na humina. Mas angkop ang mga softer cups para sa may mga weak na PFM dahil hindi nito kayang hawakan ang firmer cups. Ang mga physically active naman ay may mas malalakas na PFM kaya mahahawakan nito mabuti ang mga firmer cups.
there are other minor factors like allergies and sensitivies.
Laging tandaan na lahat tayo ay magkakaiba, kaya pagdating sa cup, kahit kailan ay hindi naaangkop ang one size fits all. Kahit ang pangkaraniwang descriptions na “kung hindi pa nanganak” at “kung nanganak na” ay hindi rin sapat na deciding factor sa pagpili ng cup. Always consider these important factors before you take the plunge.