
Ano ang Menstrual Cup?
Ang menstrual cup ay isang hindi gaanong kilalang alternatibo sa mga disposable sanitary napkin at tampon. Ito ay isang resusable device na gawa sa medical-grade na silicone, TPE, o rubber. Ito ay isinusuot sa loob ng puwerta upang kolektahin ang regla sa halip na sipsipin ito.
Bakit Sulit ang Menstrual Cup
Mga Benepisyo ng Menstrual Cup

Komportable
Hindi mo ito mararamdaman basta maayos ang pagkakalagay at akma sa iyo. Walang wings, walang tali. Kalimutan ang lagkit, amoy, kati, at bulwak.

Mas Ligtas
Binabawasan nito ang exposure sa mga mapanganib na kemikal. Hindi nagdudulot ng dryness at nakakatulong na mapanatili ang natural balance ng puwerta.

Matipid
Minsanang bilihin na pakikinabangan mo nang hanggang 10 taon! Hindi mauuwi sa basurahan ang iyong pera sa loob lamang ng ilang oras.

Maka-kapaligiran
Wala nang plastik na basura mula sa iyong buwanang regla! Binabawasan nito ang iyong basura at nakakatulong na bawasan ang pinsala sa kapaligiran.
Kalimutan ang period hassles!
Mahalin ang iyong regla.
Paano Gamitin ang Menstrual Cup

Itupi, Hawakan, Ipasok
Ang mga menstrual cup ay malambot at nababaluktot. Mayroong ilang mga paraan ng pagtupi na maaari mong gamitin. Itupi lang at hawakang mabuti, pagkatapos ay mag-relax habang ipinapasok.

Suotin at Magpatuloy
Ang menstrual cup ay hindi mapapansin; binibigyan ka nito ng kalayaang kumilos. Ipagpatuloy ang iyong mga pang-araw-araw na gawain, i-enjoy ang indoor o outdoor na mga aktibidad na gusto mo, o matulog nang komportable.

Alisin, Ibuhos, Banlawan
Maayos na tanggalin at alisan ng laman sa ika-12 na oras, o ng mas madalas pa kung kinakailangan depende sa kung gaano kalakas ang iyong regla. Banlawang mabuti ng tubig, at maaari na itong gamiting muli.
Kalimutan ang mga alalahanin dala ng regla!
Mahalin ang iyong sarili.
Paano Pumili ng Menstrual Cup?

Taas ng iyong cervix.
Ito ang tutukoy sa haba ng menstrual cup na kailangan mo. Maikling menstrual cup para sa mababang cervix. Katamtamang haba ng cup para sa cervix na may katamtamang taas. At mahabang cup para sa mataas na cervix.

Pelvic floor muscles mo.
Ito ang tutukoy sa firmness level ng cup na kailangan mo. Ang mahinang PFM ay hindi makakahawak mabuti ng menstrual cup; ang mas malambot na menstrual cup ay mas angkop. Ang malakas na PFM ay mas tugma sa mga firm na menstrual cup.

Daloy ng iyong regla.
Ito ang tutukoy sa kapasidad ng cup na kailangan mo. Ang katamtamang daloy ay karaniwang kasya na sa mga size 1 cup. Bagama’t ayos lang mag-empty ng mas madalas, ang may malakas na daloy ay makikinabang sa mataas na kapasidad.
Kalimutan ang mga basura dala ng regla!
Mahalin ang ating planeta.
Mga Brand na Dala Namin
Ang Reglamor ay nag-curate at nakipagtulungan sa mga pinagkakatiwalaang brand sa mundo para mabigyan kayo ng mga de-kalidad na menstrual cup at disc para sa isang period na walang alalahanin, walang abala at walang basura.
Mga Tampok na Produkto

MermaidCup™ Guppy
₱1,699.00

Nixit
₱2,499.00

Hello Low Cervix Cup
₱2,449.00

Hello High Cervix Cup
₱2,449.00
Mula sa Aming mga Mahal na Customers


